GMA Logo Ruru Madrid
What's on TV

Ruru Madrid, ibinahaging may mga bagong karakter na dapat abangan sa 'Lolong'

By Marah Ruiz
Published July 19, 2022 1:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robust consumer spending boosts US third-quarter economic growth
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Ayon kay Ruru Madrid, mas magiging exciting pa ang kuwento ng 'Lolong' dahil sa mga bagong karakter na papasok sa istorya.

Masaya si Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid sa naging character development ng karakter niya sa dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong.

Kahit papasok pa lang sa pangatlong linggo ang show, in-embrace na ng karakter niyang si Lolong ang pagiging bagong bayani ng bayan ng Tumahan.

"Si Lolong 'yung tipo ng tao na pagka may naagrabyado, hindi po niya hahayaan. Pagka may babaeng nasasaktan, tutulungan po niya. Kapag may mga tao na nasasaktan o inaapi, ipaglalaban po niya," paliwanag niya tungkol sa kanyang karakter.

Dahil dito, mas magiging maaksiyon daw ang mga tagpo sa serye.

"Ito na po 'yung totoong laban. Dito po magsisimula 'yun, sa linggo po na ito," aniya.

May mga papasok din daw na bagong mga karakter na mas makakapagbigay ng kulay sa lalong gumagandang kuwento ng serye.

"Mayroon po tayong mga ipapakilalang mga bagong karakter. Like si Marco Mendrano na ginagampanan ni Marco Alcaraz na sa kabila ng mga nangyayrai, mayroon pa rin pong iilang mga tao na pinaglalaban pa rin po ang ating mga karapatan. May mga iilang mga tao na pinaglalaban pa rin po kung ano po 'yung tama," bahagi ni Ruru.

Samantala, naaaliw naman siya sa bagong Facebook at Instagram filter ng Lolong. Sa pamamagitan nito, magiging buwaya ang mukha ng isang user.

Sinubukan na ito ni Ruru, at ng co-stars niyang sina Shaira Diaz, Arra San Agustin, Paul Salas at Marco Alcaraz.

"Sobrang nakakagulat. Parang nagta-transform sila, magiging si Dakila or maging crocodile sila. Ang galing na may ganoon na tayong klaseng technology," ani Ruru tungkol sa filter.

Patuloy na tumutok sa Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Panoorin din ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras sa video sa ibaba.