
Fame has a price.
Ito ang realidad na kailangan harapin ng sino man na gusto maging celebrity.
Sa oras na unti-unti kang nakikilala, hindi maiiwasan din na makatanggap ka ng masasakit na komento, lalo na online.
Kamakailan lang, ito ang naranasan ng Kapuso primetime star na si Ruru Madrid nang bastusin ng isang basher sa Instagram.
Makikita sa Instagram post ni Ruru noong October 7 ang tugon niya sa isang netizen na minura siya sa comment section.
Mapapansin na mas pinili ng Kapuso actor na huwag mag padala sa kanyang emosyon at idinaan sa tawa ang reply sa netizen.
Regular guest sa hit Kapuso sitcom na Daddy's Gurl si Ruru na gumaganap bilang Sir. Anton na isang masugid na manliligaw ng karakter ni Maine Mendoza na si Stacy.
Samantala, inanunsyo na din na si Shaira Diaz ang magiging leading lady niya sa GMA Public Affairs series na Lolong.
Related content:
Give Me 5: Ruru Madrid's fashion tips to nail that "BTS" look
Shaira Diaz, bagong leading lady ni Ruru Madrid