
Ibinahagi ni Kapuso actor Ruru Madrid na isa rin siyang member ng ARMY, ang pangalan ng fans club ng K-pop boy group na BTS.
Kamakailan ay umani ng papuri ang aktor dahil sa magandang cover niya ng single ni Kim Tae-hyung o mas kilala sa tawag na V, ang “Sweet Night.”
Ayon kay Ruru, iniidolo niya ang grupo dahil sa talento ng mga ito sa pagtatanghal.
“Ang galing nila mag-perform. Ang galing nila lahat kumanta, magsayaw. Du'n pa lang naging fan na ako,” sabi niya sa ulat ng 24 Oras.
Nag-trending din kamakailan si Ruru dahil sa isa niyang post sa Instagram, kung saan maraming BTS fans ang nagsabing nahahawig si Ruru kay Kim Tae-hyung o V.
Naging inspirasyon kasi ni Ruru si V sa kanyang latest na fashion style, kung saan siya napansing kahawig ni V.
“Nakakagulat talaga. Hindi ko in-expect. Du'n sa mga fan ng BTS, ARMYs, grabe rin 'yung pagtu-tweet nila sa 'kin or 'yung mga message nila sa 'kin.
"Siyempre, 'yung mga Filipino ARMYs din. So, thankful ako sa kanilang lahat,” dagdag pa niya.
Source: @rurumadrid8
Samantala, kabilang ang aktor sa online reunion ng Protégé alumni kasama sina Thea Tolentino, Jeric Gonzales, at Mikoy Morales.
Ang host nila ay si Kapuso actress Carla Abellana na host din ng season nila sa Protégé.
“Parang bumalik 'yung bonding. Tagal kasi naming hindi nagkita-kita, e. marami silang malalaman, mababalikan du'n sa moments namin nu'ng Protége like 'yung mga pinagdaanan naming du'n,” lahad ni Jeric.
BTS members V and Jungkook discuss 'Mahal ko kayo' in surprise live video