
Mas naging makulay at memorable ang Dinagyang Festival para sa Kapuso fans nang dumayo ang ilang GMA celebrities sa Iloilo City.
Sa isang Kapuso mall show, bumisita ang cast ng GMA Afternoon Prime series na Prinsesa ng City Jail. Naghatid ng kilig on stage sina Allen Ansay at Will Ashley nang naghandog sila ng awitin sa kanilang fans na may kasamang matamis na ngiti. Dala naman ni Denise Laurel ang kanyang energy at good vibes habang nagbigay siya ng all-out performance para sa mga Kapusong Ilonggo.
Labis ang pasasalamat ng cast dahil sa mainit na pagtanggap ng fans sa kanilang pagbisita.
"Ramdam na ramdam namin 'yung init ng pagtanggap sa amin ng mga Kapuso natin dito. 'Yung talagang ulit-ulit kong sabihin, napakasarap mag-perform kapag nakikita natin 'yung mga Kapuso natin na nage-enjoy sila," sabi ni Allen.
"Maraming, maraming salamat sa lahat ng Kapuso sa pagtanggap sa amin at saka sa pagbabalik ko. But also gagawin namin ang lahat to make you guys proud," dagdag ni Denise.
Kasama rin sa mga dumating ang mga bida ng Lolong: Bayani ng Bayan na sina Ruru Madrid, Shaira Diaz, at Paul Salas. Labis ang saya ng Kapuso fans nang makita nilang mag-perform ang cast members sa stage. May ilan din na nakisayaw at nag-enjoy kasama ang Kapuso heartthrobs.
"Sa mainit na pagtanggap po sa amin, hinding hindi ko makakalimutan itong lugar na ito dahil I guess nakapag-perform na ako before dito. Talagang ganoon pa rin ang pagmamahal nila kaya naman nagpapasalamat din po ako sa lahat po ng mga nanonood ng Lolong," pahayag ni Ruru.
Sa Festive Walk naman ng Dinagyang Festival, sinorpresa nina Jillian Ward, Michael Sager, at Yasser Marta ang kanilang Ilonggo fans. Masayang naka-bonding nila ang lahat at naghandog ng espesyal na performances.
"Sobrang warm po ng pag-welcome nila and nakakatuwa. I'm just so happy na makapag-perform po dito sa Iloilo," masayang ibinahagi ni Jillian.
Ang loveteam stars ng My Ilonggo Girl, nagpakilig din sa kanilang fans dahil sa kanilang sweet moments on and off stage.
Isang unforgettable moment daw ng fans ay nang pinunasan ni Michael ang pawis ni Jillian sa gitna ng kanilang performance. Super sweet ang dalawa kaya't marami ang hindi napigilang tumili sa kilig.