
Sasabak ang Kapuso actor na si Ruru Madrid sa isang exclusive interview sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, November 6.
Sa "May Pa-Presscon" segment, magkukuwento ang Running Man Philippines cast member tungkol sa kanyang relasyon sa kapwa Sparkle star na si Bianca Umali.
PHOTO COURTESY: rurumadrid8 and bianxa (IG)
Paano nga ba nagsimula at umusbong ang kanilang pag-iibigan? Ano kaya ang mga sakripisyong ginagawa nila para makayanan ang mga hamon bilang magkasintahan?
Napag-usapan na kaya nila ang pagpapakasal? Alamin 'yan sa darating na Linggo!
Makikisaya rin ang former Lolong star kasama sina TBATS hosts Boobay at Tekla, pati ang Mema Squad sa brutal ngunit nakatutuwang musical segment na “Birit Showdown.”
Bukod dito, gaganap naman sina Boobay at Tekla bilang dalawang babaeng nagsasabi na sila ang ina ng batang lalaki na nawala 25 taon na ang nakalipas.
Isang nakakagulat na rebelasyon ang malalaman sa pamamagitan ng DNA test!
Exciting 'di ba? Tutukan ang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, November 6, via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
SAMANTALA, SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NINA RURU MADRID AT BIANCA UMALI SA GALLERY NA ITO: