
Mapapanood na ang Black Rider lead star na si Ruru Madrid sa hit GMA medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Ngayong Sabado, April 27, matutunghayan na ang pinakaaabangang pagtatagpo nina Elias (Ruru Madrid) at Doc Analyn (Jillian Ward).
Unang magkikita ang dalawa sa APEX Medical Hospital, ang ospital na pinagtatrabahuhan ng pinakabatang doktor sa bansa.
Mapapadpad si Elias sa APEX dahil bibisitahin niya rito ang kaibigan niyang si Pretty (Herlene Budol).
Makikita rin dito ni Elias ang kaibigan niyang si Oka (Empoy Marquez), ang kaibigan ng una na nag-aalaga kay Pretty habang siya ay nasa ospital.
Sa pagdating ni Elias sa APEX, ipapakilala sa kanya ang mahusay, matalino, mabait, at magandang doktor na si Doc Analyn.
Ano kaya ang mangyayari sa kanilang pagtatagpo?
Abangan ang mga eksena ni Ruru Madrid sa Abot-Kamay Na Pangarap.
Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang afternoon series, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.