GMA Logo Ruru Madrid
Image Source: rurumadrid8 (Instagram)
What's Hot

Ruru Madrid, maraming ipinagpapasalamat sa kanyang ika-26 na kaarawan

By Marah Ruiz
Published December 5, 2023 9:32 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Ipinagdiwang ni Ruru Madrid ang kanyang 26th birthday nitong December 4, 2023.

Maraming ipinagpapasalamat si primetime action hero Ruru Madrid sa pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan.

Nitong December 4, 2023 nag-celebrate si Ruru ang kanyang 26th birthday.

Image Source: rurumadrid8 (Instagram)



Para alalahanin ang espesyal na araw na ito, binalikan niya ang taong 2023 na puno ng blessings para sa kanya.

"Isang taon na puno ng pasasalamat sa lahat ng magagandang nangyari sa aking buhay. ," sulat niya sa Instagram.

Grateful daw si Ruru sa mga challenges at lessons na dinala sa kanya ng taong ito.

Minarapat din niyang magpasalamat hindi lang sa blessings sa career at personal niyang buhay, kundi pati sa pagmamahal at suporta ng mga taong hindi niya personal na kakilala pero nanantiling matibay ang pagtitiwala sa kanya.

"Marami mang pagsubok ang nagdaan, pero ito ang mga bagay na nagturo sa akin para maging matibay sa anumang hamon ng buhay na ibinabato sa akin sa araw-araw. Salamat sa lahat ng pagmamahal at suporta mula sa inyo. Pangako na hindi ako mapapagod gumawa ng mga bagay na makapagbibigay ng saya at inspirason sa inyong lahat," bahagi niya.

Dahil sa mga ito, mas may confidence siya na harapin ang mga bagay na maaring dumating sa kanyang buhay.

"Sa bagong taon na ito sa aking buhay, nakahanda ako sa anumang paparating. Taas noo kong haharapin ang buhay na ito kasama kayo na nagbibigay ng inspirasyon sa akin," lahad ni Ruru.

"Muli, Maraming salamat sa inyo! Samahan niyo akong tuparin ang lahat ng mga pangarap natin," pagtatapos ng caption ng kanyang post.

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


Isa sa pinakamalaking blessings na natanggap ni Ruru ngayong taong ang pagbida niya sa full action series na Black Rider.

Ngayong taon din napanood ang unang on-screen partnership nila ng longtime girlfriend na si Bianca Umali sa The Write One, isang primetime series na collaboration sa pagitan ng GMA Public Affairs at top streaming service ng Viu.

Lumabas din si Ruru sa isang pelikula ngayong 2023, ang Video City kung nakapares niya si Yassi Pressman.