
Tiyak na maiibigan ninyo ang paunang handog ng #MPK ngayong Pebrero!
Magtatambal ang 'Maghihintay' singer na si Ruru Madrid at Phenomenal star Maine Mendoza sa kakaibang kuwento ng isang couple na sumikat dahil sa out of the ordinary nilang prenup shoot ngayong Sabado, February 8.
WATCH: Maine Mendoza at Ruru Madrid, balik-tambalan sa '#MPK'
IN PHOTOS: Creepy but funny love story nina Maine Mendoza at Ruru Madrid sa '#MPK'
Sa guest appearance ni Ruru sa Sikat program ni Papa Obet, natuwa siya na nakasama siya sa first-ever #MPK ni Maine.
Aniya “Kasama ko po dito, siyempre, nag-iisang phenomenal star Ms. Maine Mendoza.
“And this is actually her first ever Magpakailanman, kaya nakakatuwa dahil ako 'yung nakasama niya dito sa episode na 'to.”
May patikim din ang Kapuso actor sa magiging takbo ng istorya, kung saan tampok sina Thugz at Jeanette.
Kuwento ni Ruru, “Si Thugz kasi 'yung role ko, e, siyang embalsamador ay may-ari ng funeraria. And then, si Jeanette naman 'yung role ni Maine, ang trabaho niya ay nagsu-supply naman siya ngayon ng mga formalin.
“So, nasa isang field kami, hanggang sa pinagtagpo na kami ng tadhana and then, eventually, nalulugi 'yung funeraria.”
Wala rin itulak-kabigin si Ruru sa Phenomenal star, na ilang beses niya nang nakatrabaho sa Daddy's Gurl.
Ayon sa Kapuso hottie na hindi niya nararamdaman ang trabaho tuwing kasama si Maine Mendoza.
“Well, working with Maine parang ang tagal na namin nagkaka-trabaho, tagal na rin namin magkaibigan and parehas kami na were very supportive sa isa't isa pagka may project kami magkahiwalay.
“And every time na magka-work kami hindi siya work e, kasi mas marami kaming kuwentuhan.”
Catch Papa Obet's full interview with Ruru Madrid in the video below.