
Kahit patuloy ang showbiz at modelling career ng Kapuso actor na si Ruru Madrid, hindi pa rin mawala sa isip niya ang pagpasok sa military.
Aniya, childhood dream niyang maging sundalo at hanggang ngayon ay naiisip niya itong subukan kung may oras.
“Oo, sobra. Lalo na ngayon na kaya naman talaga… for example si Rocco,” kuwento ni Ruru patungkol sa pagpapa-enlist ni Rocco Nacino sa Philippine Navy.
WATCH: Rocco Nacino, nagpa-enlist na sa Philippine Navy
Dagdag ni Ruru, “I'm just 21, I'm turning 22 this year siguro ang best time para gawin 'yan is mga 25.”
Naisip na rin ni Ruru kung anong parte ng military ang gusto niyang pasukin kung may pagkakataon.
“Well gusto ko maging Scout Ranger, nakita ko 'yung traning nila…sobrang hirap, at 'yung dedication din. 'Yung passion dun grabe.”
Gayunman, nangunguna pa rin sa kanyang focus ang showbiz.
Aniya, “Right now, I'm into exploring. Kung ano man 'yung ibibigay nila sa akin as long as macha-challenge ako bilang aktor sobrang game ako doon.”
LOOK: Ruru Madrid is our Artist of the Month
Pinaka-bagong single ni Ruru Madrid, inilabas na
A series of rejections led to this Kapuso actor's hunky transformation