
Tuloy lang ang pagkukundisyon ni primetime action hero Ruru Madrid para sa action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.
Inaalagaan niya nang mabuti ang kanyang katawan para harapin ang stunts and iba't ibang fight scenes ng serye.
Sa isang maikling video sa Instagram, ibinahagi ni Ruru ang isa sa kanyang workout sessions kung saan mga binti naman niya ang focus.
Kasama niya rito ang kanyang longtime fitness coach na si Ghel Lerpido na nagbabantay kay Ruru habang ginagawa niya mga ehersisyo tulad ng squats at lunges na may weights, stretching, pagtalon sa bench, at iba pa.
"Leg day is my favorite day… sabi nila, 'di ko alam kung bakit… Pero sa totoo lang, walang strong legs kung walang hard work. Kaya kahit mahirap, tuloy lang… Salamat Coach @ghel_lerpido," sulat niya sa caption ng kanyang post.
Samantala, sa ikalimang linggo ng Lolong: Bayani ng Bayan, makakalaban ni Lolong (Ruru Madrid) ang lolo niyang si Nando (Nonie Buencamino) dahil nakuha nito ang sagradong hiyas na Ubtao.
Photo: gmapublicaffairs / gmanetwork
Samantala, alam na ni Julio (John Arcilla) ang kapangyarihan nito kay sisikapin niyang makuha ito para gamutin ang kanyang anak.
NARITO ANG MGA EKSENANG DAPAT ABANGAN SA LOLONG: BAYANI NG BAYAN:
Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.