GMA Logo Ruru Madrid
What's on TV

Ruru Madrid, nakatutok pa rin sa kanyang fitness

By Marah Ruiz
Published February 11, 2025 2:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos scrutinizing ratified 2026 budget —Palace
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Hindi pinapabayaan ni Ruru Madrid ang kanyang fitness kahit busy sa taping.

Busy sa taping ng pinagbibidahan niyang action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan si primetime action hero Ruru Madrid.

Gayunpaman, hindi niya kinakalimutang alagaan ang kanyang katawan.

Bilang bida ng serye, kailangan niyang maging malusog at malakas. Bukod dito, kailangan din ay maganda ang kanyang pangangatawan para sa maraming fight scenes dito.

Kaya naman kahit abala sa taping, humahanap ng paraan si Ruru na isingit ang oras para makapunta sa gym at mag-workout.

Sa isang maikling video na ibinahagi niya sa Instagram, ipinakita ng aktor ang ilang bahagi ng session niya kasama ang longtime fitness coach niyang si Ghel Lerpido.

"Bulking season's over--time to cut down. Let's get it," sulat ni Ruru sa caption ng kanyang post.

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)

Samantala, ibinahagi din ni Ruru ang ilan pang mga bagay na dapat abangan sa susunod na episodes ng Lolong: Bayani ng Bayan.

Magiging bahagi ng cast nito ang viral sensation at ToRo Family member na si Mikay.

Mas lumalalim na rin ang kuwento ng serye dahil makakalaban ng karakter niyang si Lolong ang long lost lolo nito na si Nando, played by award-winning actor Nonie Buencamino.

NARITO ANG MGA EKSENANG DAPAT ABANGAN SA LOLONG: BAYANI NG BAYAN:

Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.