GMA Logo ruru madrid
What's Hot

Ruru Madrid, nagbura ng posts sa kanyang Instagram

By Serina Joyce Duque
Published July 16, 2021 12:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

ruru madrid


Bakit kaya nag-deactivate ng Instagram feed ang 'Lolong' star na si Ruru?

Maraming nakapansin sa black profile picture ni Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid sa Instagram.

Bukod pa rito, kataka-taka ring deactivated ang buong feed ng aktor.

Burado ang mga post nito maging ang kanyang mga larawan kasama ang rumored girlfriend na si Bianca Umali.

Ruru Madrid Instagram

Hindi rin naman na-hack ang aktor dahil nakapag-upload pa ito ng kanyang workout habang naka-hotel quarantine.

Ruru Madrid Instagram Story

Nitong mga nakaraang linggo, inamin ni Ruru na sumasabak siya sa matinding workout at bagong diet plan bilang paghahanda sa kanyang karakter sa upcoming adventure-action series na Lolong.

Gaganap siya bilang si Lolong, isang binatang may angking abilidad na makipag-usap sa isang malaking buwayang nagngangalang Dakila.

Aniya, "Pinagpepe-prepare nila ako for Lolong, kailangan 'yung katawan ko sobrang ready dito sa project na 'to kasi medyo madugo siya."

Dagdag pa niya, hindi raw ito katulad ng mga seryeng kadalasang napapanood sa TV.

"This is a political series din, iko-connect din namin 'to sa politics.

So, maraming mangyayari sa seryeng ito and I am very excited na mai-share ito sa inyo dahil napakagandang teleserye."

Dalawa rin ang kanyang magiging leading lady sa upcoming serye: si Shaira Diaz na gaganap bilang Elsie, kababata ni Lolong na isang environmentalist, at si Arra San Agustin na gaganap naman bilang Bella.

Ngayong araw ang simula ng lock-in taping ni Ruru kasama ang iba pang cast ng teleserye matapos silang sumailalim sa 10-day hotel-quarantine.

Babalik pa kaya sa dati ang Instagram feed ng aktor?

Samantala, tingnan kung anu-ano ang pinagkaabalahan ng Lolong lead stars habang sila'y naka-quarantine: