GMA Logo Robin Padilla and Ruru Madrid
Source: rurumadrid8 (IG)
What's on TV

Ruru Madrid, nakilala na ang idolong si Robin Padilla

By Marah Ruiz
Published September 25, 2023 5:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Atty. Annette Gozon-Valdes, Jessica Soho, Kara David among Tatler Asia's 2025 Most Influential Filipinos
Anne Curtis looks cute with a designer bag charm
P10,000 up for families with totally damaged houses in 8 Cebu LGUs

Article Inside Page


Showbiz News

Robin Padilla and Ruru Madrid


Ibinahagi ni Ruru Madrid kung bakit niya iniidolo si actor-turned-politician Robin Padilla.

Sa wakas, personal nang nakilala ni Kapuso Action Drama Prince Ruru Madrid ang isa sa mga pinakamalaki niyang idolo.

Nakasama kasi ni Ruru sa isang event si action-star-turned-politician Senator Robin Padilla.

Excited na ibinahagi ni Ruru sa kanyang Instagram ang picture nila magksama ng tinaguriang "Bad Boy of Philippine Cinema."

Bata pa lang si Ruru, pinangarap na niyang maging isang action star kaya isa si Robin sa mga tinitingala niya.

"IDOLO
"Maraming salamat Sen @robinhoodpadilla

"Kayo po ay malaking inspirasyon para po sa akin pag dating sa paggawa ng mga ma-aksyon na eksena. Tunay na kayo po ang aking tinitingala sa larangan na ito at pangako na pagbubutihin ko ang lahat ng aking ginagawa," sulat ni Ruru sa caption ng kanyang post.

Pero hindi lang daw ang husay ni Binoe sa action movies ang hinahangaan ni Ruru kundi ang paglilingkod nito sa bayan.

"Ngunit hindi lamang dito kaya ko po kayo hinahangaan, kundi sa pagiging makatao. Alam ko po kung gaano niyo kamahal ang sambayang Pilipino at lahat ng iyong taga suporta. Kaya muli Maraming Salamat po!..." pagtatapos ng caption ng kanyang post.

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)

Samantala, nakatakdang bumida si Ruru sa upcoming full action series na Black Rider.

Gaganap siya rito bilang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

Source: rurumadrid8 (IG)


Bukod kay Ruru kasama rin sa cast nito sina Matteo Guidicelli, Yassi Pressman, Katrina Halili, at marami pang iba.

SILIPIN ANG STAR-STUDDED CAST NG BLACK RIDER DITO:


Abangan ang Black Rider, soon on GMA Telebabad.