GMA Logo Ruru Madrid
What's Hot

Ruru Madrid reacts to plastic surgery rumors

By Bianca Geli
Published October 28, 2021 7:36 PM PHT
Updated October 29, 2021 12:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Sinagot ni Ruru Madrid ang mga tsismis na nagparetoke daw siya. Ano kaya ang sagot ng aktor?

Kapansin-pansin ang glow up ng All-Out Sundays at Lolong star na si Ruru Madrid.

Bukod sa pagbawas ng timbang ng aktor, nag-iba rin ito ng buhok kaya naman nag-iba ang itsura at naintriga ito na nagparetoke.

Sagot ni Ruru sa isang exclusive interview sa GMANetwork.com, "Actually, nagugulat din ako sa mga comments na nagpagawa raw ako ng ilong. Maybe kasi sobrang pumayat."

Hayag ng aktor, masaya siya sa resulta ng paghihirap niyang magpapayat. "Pero ito ang pinakagusto kong condition ng katawan ko. Pinaghandaan ko ito ng three years dahil sa Lolong."

Dagdag ni Ruru, naging mas mahusay siya sa fight scenes dahil sa pag-wo-work out. "Masarap sa pakiramdam na most of my fight scenes, ako gumagawa at minsan tumutulong akong i-direct.

"Iba 'yung binibigay sa'kin na inspirasyon na pagandahin pa yung mga eksena so wala namang problema kahit ano pang sabihin ng mga tao."

Kahit nagkaroon ng mga delay dahil sa pandemya, may tiwala si Ruru na ipapalabas na rin ang Lolong kung saan siya ang bida.

Aminado si Ruru na magkahalong lungkot at excitement ang nararamdaman niya para sa nalalapit nilang launch. "To be honest, of course nakaka-sad. I've been waiting for this project, it's been almost three years, I guess.

Patuloy ni Ruru, "Pero, still, mas nangingibabaw 'yung excitement, kaya rin tumatagal kasi gusto naming mapaganda namin itong proyekto na 'to.

"For me, walang problema kahit gaano katagal pa 'yan basta mabigay namin 'yung best namin para sa proyekto na ito."

Tingnan ang mga glow up photos ni Ruru Madrid: