GMA Logo Ruru Madrid
Source: rurumadrid8 (Instagram)
Celebrity Life

Ruru Madrid recalls struggles in the past: "Hindi namin alam kung saan kami matutulog"

By Jimboy Napoles
Published September 5, 2022 2:33 PM PHT
Updated November 13, 2023 4:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Joanie Delgaco, Kristine Paraon strike gold in rowing
Chavit Singson to meet Miss Universe next month to negotiate, possibly buy the organization?
APSEMO holds emergency meeting as Mayon shows increased activity

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Binalikan ni Ruru Madrid ang ilan sa mga hindi niya malilimutang karanasan ng kanilang pamilya noong nagsisimula pa lamang siya mag-artista. Basahin DITO:

Gaya ng maraming success stories ng mga sikat na artista sa showbizness, hindi rin biro ang pinagdaanan ng tinaguriang Action-Drama Prince at Lolong star na si Ruru Madrid bago siya maging isa sa mga in-demand actor ngayon ng kanyang henerasyon.

Sa isang one-on-one interview sa YouTube channel ng TV host na si Toni Gonzaga, ibinahagi ni Ruru ang ilan sa mga hindi niya malilimutang karanasan noong siya ay nagsisimula pa lamang.

Aminado si Ruru na suki rin siya noon ng kabi-kabilang auditions para maging artista at naranasan niya rin ang ma-reject sa kanyang mga gustong salihan na programa o proyekto pero dahil sa suporta ng kanyang pamilya ay hindi siya sumuko sa kanyang pangarap.

Kuwento niya, "Noong nag-start ako Miss Toni, siyempre auditions, naalala ko nun nakatira kami sa Marikina tapos karamihan ng mga VTRs [auditions] ay sa Makati 'yan [tapos] wala kaming sasakyan, wala kaming motorsiklo.

"Ang gagawin ng dad ko, manghihiram siya ng motor sa driver ng kapatid niya gagamitin namin 'yun tapos hihiram kami ng helmet.

"Tapos bibili kami sa tiangge ng mga damit basta 'yung mga turo-turo na polo at pantalon para at least pagdating doon nakaayos [ako]."

Sa nasabing interview, inalala rin ni Ruru ang isang araw kung saan walang-wala sila ng kanyang ama at hindi sila makabili ng pagkain bago pumunta sa auditions.

"Naalala ko nga noon mayroong time na kasama ko 'yung dad ko, gutom na gutom ako, naka-motor din kami papunta rin kami nito sa audition, then may nakita akong drive through sabi ko, 'Gusto ko ng french fries,' then chineck niya 'yung wallet niya, pag-check niya ng wallet niya hindi aabot 'yung [pera niya pambili ng] fries," pagbabahagi ni Ruru.

Dito ipinangako ni Ruru na pagbubutihin niya ang kanyang pag-aartista upang hindi na maranasan ng kanyang pamilya ang paghihirap.

Aniya, "Naalala ko sabi ko sa dad ko noon, sabi ko, 'Da, hindi na mauulit 'to. Promise ko sa'yo hindi na mauulit 'to.'

"Hindi ko hahayaan na 'pag [may gusto tayong bilhin] na hindi natin kakayaning bilhin kahit sobrang simple lang, kahit sobrang mura lang, hindi na mauulit 'to."

"Sinigurado ko 'yun sa sarili ko, I pray every single night, pinagpapanata ko 'yun na talagang gagawin ko lahat ng makakaya ko para lang mabili ko 'yung gusto ng pamilya ko," ani Ruru.

Pagbabahagi pa ni Ruru, bata pa lamang ay namulat na siya sa realidad ng buhay kasama ang kanyang pamilya.

Aniya, "Dad ko, naging anak niya ako when he was 21, wala siyang maayos na work, nung time niya, ang trabaho lang niya is mag-model, pero kapag may kinikita siya okay may mabibili.

"Naalala ko Miss Toni, as in nakita ko na kinakandaduhan kami ng bahay, iniiwan 'yung mga gamit namin, hindi namin alam kung saan kami matutulog.

"So ngayon na nandito ako sa ganitong posisyon na ako 'yung breadwinner ng pamilya ko, hindi ko na hahayaan na umabot [ulit] kami sa point na ganun. Hindi ko na kayang makita 'yung pamilya ko na nahihirapan or 'yung parents ko na nahihirapan."

Masaya si Ruru na nalampasan na ng kanilang pamilya ang matinding pagsubok na ito at alay niya rin sa kanyang pamilya ang tagumpay na nararanasan niya ngayon sa kanyang karera.

Aniya, So I'm just proud sa lahat ng pinagdaanan namin at nalampasan namin. Hindi ko masasabi na proud lang ako sa sarili ko kasi tinulungan ako ng pamilya ko sila 'yung naging gasolina ko e para makayanan ko ang mga [pagsubok] na 'to."

Nagsimula ang showbiz career ni Ruru nang sumali siya sa reality talent search na

Protégé at maimbitahan sa ibang mga programa sa GMA hanggang sa makuha siya upang gampanan ang iconic role ni Dingdong Dantes na si Ybrahim sa 2016 remake ng sikat na Kapuso fantaseries na Encantadia.

Ngayong 2022, namamayagpag naman sa ratings ang action series na pinagbibidahan ni Ruru na Lolong na mapapanood gabi-gabi sa GMA Telebabad. Bukod dito, kabilang din ang aktor sa cast member ng Running Man Philippines.

BALIKAN ANG NAGING SHOWBIZ JOURNEY NI RURU MADRID SA GALLERY NA ITO: