What's on TV

Ruru Madrid, sinabing mahusay si Jon Lucas sa 'Black Rider'

By Aedrianne Acar
Published November 10, 2023 12:00 PM PHT
Updated November 10, 2023 12:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

15-anyos nga dalagita, napalgang patay | One Mindanao
Ombudsman, nagsampa ng kasong malversation at graft laban kay Bong Revilla at 6 na iba pa
Gabbi Garcia's photos from 2016 that prove she is a true it girl

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid at Jon Lucas para sa Black Rider


Bakit napabilib ang Sparkle primetime star na si Ruru Madrid kay Jon Lucas? Alamin dito:

Humanga ang Primetime Action Hero na si Ruru Madrid sa pag-arte ng kaniyang co-star na si Jon Lucas sa action series na Black Rider.

Pino-portray ni Jon si Calvin ang anak ng lider ng sindikatong Golden Scorpion.

Ayon kay Ruru, nakaka-proud na makita ang pagmamahal sa trabaho ng kaniyang kaibigan.

Sabi ng Sparkle actor sa post niya sa Instagram Story, “Gusto ko lang din sabihin na sobrang proud ako sa aking kapatid na si @lucas_aljhon! Napakahusay mo dito sa Black Rider!”

Dagdag niya, “Salamat brader kasi kita ko ang pagmamahal mo sa ginagawa mo! Deserve mo to bro! Kaso deserve mo din na magalit ang tao sa karakter mo haha.”

Ni-repost din ni Jon Lucas ang naturang message ni Ruru at taos-puso ang pasasalamat niya sa Magandang sinabi nito.

Samantala, naunang sinabi ni Jon sa kaniyang Instagram post na pinag-iisipan na niya noon mamahinga sa showbiz bago niya tinanggap ang role sa Black Rider.

Lahad niya, "Pasuko na po, magpapaalam na muna sana na magpahinga. Hanggang sa nag-message sa'kin handler ko na may taping ako ng “TADHANA” kaya sabi ko 'Sige po, go ako.' Balak ko after noon, okay na siguro muna ako. Isipin ko munang mabuti kung ano 'yung mga dapat kong i-improve. ISIPIN MUNA kung okay pa ba ako dito?" paggunita ni Jon.

"Hanggang sa taping mismo ng TADHANA, doon ko nalaman na kasama ako sa BLACK RIDER BUTI PALA NAG GO AKO!! Buti pala kahit wala akong tiwala na sa sarili ko, nagtiwala pa rin ako sa Diyos. Nagpatotoo Siya sa atin ulit.”

Walang bibitaw sa matitinding eksena sa full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.

A-LIST CELEBRITIES TODO ANG SUPORTA SA BLACK RIDER WORLD PREMIERE: