
Talagang na-sorpresa si Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid nang salubungin siya sa airport ng crocodile mascot ng pinagbibidahan niyang dambuhalang adventure-serye sa primetime na Lolong.
Umuwi na mula South Korea si Ruru matapos ang ilang linggong taping ng kanyang upcoming show na Running Man PH at isang maikling bakasyon kasama ang kasintahang si Bianca Umali.
Sa parking lot, sinorpresa siya ng Dakila mascot na may dala pang banner na nagsasabing "Welcome back, Lolong!"
"Sino 'yan? Sino 'to? Dakila?" natatawang tanong ni Ruru habang lumalapit sa mascot.
Nikayap at hinalikan pa ni Ruru ang mascot.
"Thank you! Ang lupit mo talaga, Dakila. Na-miss kita," aniya.
Bukod sa surprise welcome, may hatid pang regalo si Dakila para kay Ruru.
"Uy solid! Pangil ng buwaya," namamanghang sambit ng aktor hang habang sinusuot ang kuwintas.
Sa kuwento ng Lolong, ang kuwintas na may pangil ng buwaya ay inihahangdog sa mga Atubaw kapag umabot na sila wastong edad at kaya nang pagalingin ang sariling sugat.
Panoorin ang sorpresa ng Lolong para sa lead star nitong si Ruru Madrid dito.
Kahit kauuwi pa lang, nakatakdang magpasaya ng mga Kapuso sa Cebu si Ruru kasama ang isa sa kanyang Lolong leading ladies na si Shaira Diaz.
Abangan sila sa Kapuso Mall Show ng GMA Regional TV sa Iconique Mall sa Colon, Cebu City bukas, August 13, 5:00 p.m.
Samantala, malapit nang magsimula ang bagong yugto ng Lolong magbabalik na ang mga natitirang Atubaw para maghiganti.
Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.