
Walang makakapigil kahit ang COVID-19 para i-celebrate ng pamilya ni Eat Bulaga host Ryan Agoncillo ang wedding anniversary ng kanyang mga magulang.
LOOK: Lovable photos of Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos's youngest child, Luna Agoncillo
Sa Instagram post ng magaling na TV host, binati nito ang kanyang parents na sina Luis Chito Agoncillo at Rowena Gonzalez Agoncillo para sa kanilang golden anniversary.
Samantala ang kapatid naman ni Ryan na si Dondee at kanyang asawa na si Maloo ay ipinagdiwang ang kanilang 25th anniversary.
Sina Dondee at Ryan ay business partners din nina Ryan at asawang si Judy Ann Santos sa restaurant na Angrydobo.
Nagpaabot din ng pagbati ang mga katrabaho at kaibigan ni Ryan sa showbiz sa kanyang magulang na tinawag pa nilang "relationship goals."
Kamakailan lang ipinagdiwang din nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ang kanilang 11th wedding anniversary.
Ryan Agoncillo, Judy Ann Santos celebrate 11th anniversary with a fancy dinner at home