GMA Logo Luna Agoncillo, Lucho Agoncillo, Yohan Agoncillo
Source: ryan_agoncillo (Instagram)
Celebrity Life

Ryan Agoncillo shares photos of Yohan, Lucho, and Luna's bonding moments

By Jimboy Napoles
Published August 29, 2023 4:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Suansing urges Senate to resume bicam on 2026 budget as soon as possible
PBBM vows completion of San Juanico Bridge rehab by 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Luna Agoncillo, Lucho Agoncillo, Yohan Agoncillo


Big girl and boy na ang dating mga tsikiting nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos.

“Our not so little humans.”

Ganito inilarawan ng actor at TV host na si Ryan Agoncillo ang kanilang mga anak ng aktres na si Judy Ann Santos na sina Yohan, Lucho, at Luna.

Sa Instagram, ibinahagi ni Ryan ang candid photos ng tatlong anak habang masayang nagba-bonding habang kumakain ng chocolate marbles.

Sa nasabing mga larawan, kitang-kita ang closeness ng tatlong magkakapatid habang tuwang-tuwang nagkukulitan.

A post shared by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo)

Sa nasabing post ni Ryan, agad ding nagkomento ang misis niya na si Judy Ann.

“Hehehe… kulits!” komento ni Juday.

SILIPIN ANG MASAYANG PAMILYA NINA RYAN AT JUDAY RITO:

Napansin naman ng mga kaibigan nina Ryan at Judy Ann ang mabilis na paglaki ng mga paslit pa lamang noon na sina Yohan, Lucho, at Luna.

“Grabe they're sooo big already!!” anang TV host na si Sam Y.G.

“My gosh! Parang kelan lang!” komento naman ng dating aktres na si Beth Tamayo.

April 2009 nang ikinasal sina Ryan at Judy Ann. Bago pa man ikasal ay dumating na sa kanila noon ang panganay na anak na si Yohan. Nabibiyayaan pa ng mga anak ang dalawa nang sila ay magpakasal, sa katauhan nina Lucho at Luna.

Kamakailan lang ay masayang nagbakasyon sa Japan sina Ryan at Judy Ann kasama ang kanilang mga anak na sina Yohan, Lucho, at Luna.