GMA Logo ryan bang
Photo by: @itsShowtimeNa (X)
What's Hot

Ryan Bang, may pasilip sa birthday celebration niya sa 'It's Showtime'

By Kristine Kang
Published July 1, 2026 5:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCCI calls for 'balanced approach' to P85 NCR wage hike
Elderly man in NegOr missing after flood sweeps away shanty
UP Open University is offering 25 free online courses from July to December

Article Inside Page


Showbiz News

ryan bang


Naghandog ng birthday messages ang 'It's Showtime' hosts para kay Ryan Bang!

Matatandaang labis ang saya at heartwarming feels nang ipinagdiwang ni Ryan Bang ang kanyang kaarawan sa fun noontime program na It's Showtime!

Noong June, naging solid ang 35th birthday celebration ng It's Showtime oppa nang naghandog ito ng isang simpleng harana para sa madlang people.

Bukod dito, nagbigay rin ng mga taos-pusong mensahe ang ilan sa kanyang mga co-host, kabilang ang Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Ngunit hindi alam ng madlang people na simula pa lamang pala iyon ng mas espesyal na selebrasyon kasama ang kanyang It's Showtime family!

Sa kanyang latest vlog, masayang ipinasilip ni Ryan ang ilan sa mga highlight ng kanyang birthday celebration sa likod ng kamera.

Pagpasok pa lamang sa dressing room, sinalubong agad siya ng isang surprise birthday wall.

Masaya ring nakatanggap si Ryan ng mga birthday greeting mula sa kanyang mga magulang, mga co-host, at team sa noontime show.

Pati si Vice Ganda ay ipinakita ang labis na suporta sa kanyang "anak" backstage.

"Are you ready?" tanong ni Vice bago ang birthday performance ni Ryan.

"Yes, mommy!" masayang sinagot ni Ryan.

"Give me a kiss," ani Vice bago sila bumeso.

Hindi maitago ni Ryan ang kanyang ngiti nang bigyan siya ni Vice ng isang nakaaantig na mensahe.

Nagpatuloy ang heartwarming feels nang ibinahagi rin ng Unkabogable Star ang kanyang mensahe live on television.

"Kailanman, hindi ka mag-iisa sa Pilipinas. Kahit sa loob ng Showtime, may pamilya ka, kapag lumabas ka kahit sa kalsada, kilala ka nila at mahal ka ng mga Pilipino," sabi ni Vice.

Pagbalik sa dressing room, tuloy pa rin ang birthday celebration ni Ryan kasama ang ibang hosts.

"Pagdating sa mga messages, si Ryan ang pinaka-sweet talaga," sabi ni Jhong Hilario.

"Napaka-sweet na tao. ' Di nakakalimot magbigay ng gifts sa inaanak niya kay Sarina. Kahit hindi birthday, nagbibigay... kaya thank you."

Para naman kay Darren Espanto, isa si Ryan sa mga pinaka-genuine na personalidad sa showbiz.

"Isa ka sa mga pinakaunang nag-welcome sa akin sa It's Showtime, sa mga host. Napaka-genorous. Laging nanlilibre," mensahe ni Darren.

"I said na mapapagkatiwalaan ka sa maraming bagay in life. Not just sa career, but also sa personal life. You are such a down-to-earth person. We're very lucky to have you in our lives, best friend."

Hindi rin nagpahuli si Kim Chiu sa kanyang birthday message para kay Ryan.

"You are the most nicest Totoo talaga, si Ryan talaga dito 'yung pinaka-empath sa amin. Kapag meron kang nararamdaman, sabihin niya, 'Okay ka lang?'" aniya.

"Kaya, we're very thankful. Lagi siyang GV, good vibes, and everything. We all wish happiness. Like genuine happiness for you."

Bilang pagtatapos ng selebrasyon, sinurpresa pa ng It's Showtime team si Ryan ng birthday cake at confetti!

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Balikan ang pagbisita ni Ryan Bang sa Fast Talk with Boy Abunda, dito: