
Isa na namang masayang tanghali ang hatid ng fun noontime program na It's Showtime!
Nitong Huwebes (May 21), tuloy-tuloy ang kulitan at good vibes sa game segment na “Laro, Laro, Pick.”
Mas lalong naaliw ang madlang people sa larong “You Got A Lyric,” kung saan kailangang hulaan ng contestant ang pamagat ng kanta batay sa ipinapakitang eksena ng mga host.
Mula sa mga hugot lines hanggang sa nakakatawang skits, aliw na aliw ang audience sa pagpapatawa ng It's Showtime family.
Pero isa sa pinaka pinag-usapang eksena ay ang nakakatuwang tandem nina Ryan Bang at Amy Perez.
Sino ba naman kasi ang hindi matatawa nang magbihis si Ryan na parang sanggol!
Mula sa pink na bib hanggang sa mismong diaper, talagang baby na baby muna ang It's Showtime oppa.
Hindi rin napigilan ni Tiyang Amy na matawa habang kinakarga at hinihele ang higanteng “baby.”
"Ang bigat mo. Dami rin tumatalsik ah," biro ni Amy habang nagma-"mama" si Ryan.
Ngunit mas lalo pang naaliw ang madlang people nang biglang naibagsak ni Tiyang Amy si Ryan!
"Sinampay ko! Asan na 'yung sinampay ko!" sigaw ni Tiyang Amy nang marinig ang kulog.
"Mama!Mama!" sigaw ni Ryan.
Agad namang pinag-usapan ng fans at viewers online ang naturang eksena, lalo na ang nakakatawang baby transformation ni Ryan.
Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Balikan ang nakakatawang Baby Ryan moment, dito: