Article Inside Page
Showbiz News
Nakakuwentuhan ng
Startalk TX si Ryzza Mae Dizon sa 100 Most Beautiful Stars event ng isang magazine kamakailan. Anu-ano kaya ang mga ibinahagi ni Ryzza sa kanyang interview?

Nakakuwentuhan ng
Startalk TX si Ryzza Mae Dizon sa 100 Most Beautiful Stars event ng isang magazine kamakailan. Anu-ano kaya ang mga ibinahagi ni Ryzza sa kanyang interview?
Unang tinanong si Ryzza kung ano ang kanyang reaksyon na nakasama siya sa listahan. Natawa si Ryzza sa tanong at aniya, “Hindi ko nga po alam kung bakit ako nandito.”
Ano naman kaya para kay Ryzza ang pinakamaganda sa kanyang hitsura? Mabilis na sagot niya, “Leeg! Bangs!”
Marami ang humahanga kay Ryzza ngayon dahil napakagaling niyang mag-host sa
The Ryzza Mae Show. Nakakatawa rin ang kanyang mga hirit, kaya’t kahit sino ang guest niya, talagang inaabangan ang kanyang talk show.
Napabalitang gustong makilala ng child wonder si PNoy. Pangarap niya na makapanayam sa kanyang show ang Pangulo ng bansa.
Ano ang una niyang itatanong kay PNoy kapag nag-guest siya sa
The Ryzza Mae Show? Ani ni Ryzza, “May ano po kayo, girlfriend?”
May usap-usapan rin na magsasama sa pelikula si Ryzza at ang pamangkin ni PNoy na si Bimby. Nagkakilala na ba sina Ryzza at Bimby?
“Hindi pa po. Pogi po?”, ang inosenteng tanong ni Ryzza.
Tinukso naman ng mga reporters si Ryzza kay Charles Jacob Briz, ang 2nd runner-up sa
That’s My Boy na napapabalitang crush daw ni Ryzza.
Tumawa lang si Ryzza at hindi na nagkomento. Sinabi na lamang niyang nag-eenjoy siya sa paghohost niya.
Kasalukuyang napapanood si Ryzza Mae Dizon sa
The Ryzza Mae Show,
Eat Bulaga at
Vampire Ang Daddy Ko. -
Text by Samantha Portillo, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com