GMA Logo Ryzza Mae Dizon
Photo by: Ryzza Mae Dizon (IG)
Celebrity Life

Ryzza Mae Dizon, inuumpisahan nang gawin ang dream house

By Aimee Anoc
Published December 2, 2021 7:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Experience a heartwarming taste of Christmas
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Ryzza Mae Dizon


"Under construction na po ang aming dream house! Thank you Lord sa blessing na ito." - Ryzza Mae Dizon

Unti-unti nang nabibigyang katuparan ang bahay na pinapangarap ni Ryzza Mae Dizon.

Sa Instagram, masayang ibinahagi ni Ryzza na ginagawa na ang kanyang "dream house" sa Pampanga.

"Under construction na po ang aming dream house! Thank you Lord sa blessing na ito," sulat niya.

A post shared by Ryzza Mae Dizon (@ryzzamaedizon_)

Sa kanyang eight-minute vlog, ipinakita ni Ryzza ang paggawa sa kanilang bahay na mayroong dalawang palapag kung saan tanaw ang Mount Arayat.

Nagpaabot naman ng suporta at paghanga ang ilang celebrities sa katuparan ng pangarap ni Ryzza.

"Congrats sa mansion mo [Ryzza Mae Dizon]! Well deserved," pagbati ni Rocco Nacino.

"Congrats bibi ghorl," dagdag ni Pauleen Luna Sotto.

"Congratulations bebe gurl," sulat ni Ashley Ortega.

"Congrats baby girl ko," sabi ni Lovely Abella.

Anim na taon lamang noon si Ryzza nang manalo sa "Little Miss Philippines" ng Eat Bulaga. Sa edad ding ito, nagkaroon siya ng sariling talk show, ang The Ryzza Mae Show.

Samantala, tingnan ang magagandang larawan ni Ryzza Mae Dizon sa gallery na ito: