
Masayang ipinasilip ni Ryzza Mae Dizon ang kanyang tahanan sa pamamagitan ng kanyang latest vlog.
Wika ng batang Eat Bulaga dabarkad, marami raw sa kanyang mga tagahanga ang nagre-request ng house tour kaya't excited siya sa kanyang ginawang vlog.
Sinumulan ni Ryzza ang kanyang video sa labas ng kanilang bahay at unti-unting ipinakita ang mga kuwarto at ilan pang bahagi ng kanyang humble 3-story home.
Sa unang palapag ay makikita ang kanilang black and white na sala, dining area, kitchen at pati ang kanilang banyo. May daan ito patungong labas upang makarating sa kanilang dirty kitchen, open-air dining area, garden, laundry area, at storage rooms.
Ilan sa kapansin-pansin sa kanilang first floor ay ang mga natanggap na awards ni Ryzza at pati na ang kanyang collection ng ref magnets na kanyang binibili tuwing bumibiyahe sa ibang bansa kasama ang ibang dabarkads.
Ibinida rin niya ang full body mirror kung saan madalas siya mag-take ng selfies.
Matapos nito, umakyat naman sa second floor si Ryzza at ipinakita ang kanyang newly-painted na bedroom. Ginawan daw nila ng makeover ang kanyang kwarto dahil madalas na siyang manatili rito dahil sa quarantine.
Wika niya, "Kung mapapansin n'yo doon sa aking room tour dati, bagong-bago na po siya dahil iniba ulit nina Mama noong lockdown. Ayan po, ginawa nang pink 'yung wall tapos meron na akong make-up area dito. Ayan, dito tayo make-up, cheek tint, ganyan. Perfumes, ganyan.
“Iniba lang po 'yung style para hindi masyadong boring tingnan. Eto, 'yung bago dito, 'yung aking computer area. Eto po dahil nga siyempre online class na tayong lahat mga students, dito ako nag-o-online class and minsan dito din ako nagla-live para sa Eat Bulaga. Nagzu-zoom, dito na po para madali nalang gamitin.”
Sa ikatlong palapag naman matatagpuan ang kuwarto ng kanyang magulang at mga kapatid. Mapapansin ding mahilig mag-picture si Ryzza sa balkonahe sa labas ng kuwarto ng kanyang mga kapatid.
Silipin din ang tahanan ni Ryzza Mae sa gallery na ito: