
Nagsalita ang content creator na si Sachzna Laparan laban sa mga natatanggap niyang indecent proposals.
Sa Facebook, ibinahagi ni Sachzna ang screenshot ng email kung saan siya ay inalok ng bagong sasakyan kapalit ng isang dinner kasama siya.
"Ano magandang kulay? Black or White?" biro niya.
"This is one of the many indecent messages [I've received]. 'Dinner lang' daw… pero alam naman natin kung saan papunta yan," bahagi ng content creator.
Pinaalalahanan naman ni Sachzna ang netizens at kanyang followers tungkol sa kanilang “worth.”
"Know your worth. Don't trade your dignity for anything temporary. Don't be tempted," aniya.
Dagdag pa niya, "Iba pa rin yung galing sa pagod at sariling sikap. Mas masarap ipagmalaki ang mga napundar mo kapag pinaghirapan mo. Taas noo, always."
Sa comments section, ibinahagi ni Sachzna na hindi lahat ng offer ay isang blessing.
"Minsan test yan kung gaano mo ka-value ang sarili mo," pahayag niya.
Noong March, nagtapos si Sachzna ng kanyang bachelor's degree ng Office Administration () sa Philippine Christian University.
Kilala si Sachzna bilang YouTuber at content creator sa Facebook at TikTok.
Samantala, tingnan dito ang reaksyon ng ibang celebrities sa indecent proposals:
Insert photo gallery: