
Marami ang nakapanood ng sneak peek video sa episode ng Family Feud noong Biyernes, May 10, kasama ang aktor na si Xian Lim kung saan tinanong siya ng survey question na may kinalaman sa kaniyang ex.
Fresh pa kasi para sa netizens ang naging breakup ni Xian at ng It's Showtime host na si Kim Chiu noong December 2023, kaya naman marami ang naintriga sa nasabing video ni Xian sa Family Feud.
Sa segment na “Kayo Naman Ang Magtanong” ng programa, kung saan bibigyan ng chance ang viewers na makapagtanong sa guests sa studio, tila na-corner ang aktor na si Xian dahil sa tanong tungkol sa ex na, “Kung makakasalubong mo ang ex mo, ano ang itatanong mo?”
Mapapanood sa nasabing sneak peek video na inilabas ng Family Feud na nag-alangan si Xian na sagutin ang nasabing tanong. Sa ngayon, ang naturang video ay may 3.9 million views na sa Facebook.
Sa mismong episode ng Family Feud noong May 10, napanood naman ang kabuuang sagot ni Xian.
Aniya, “I think, kapag nakasalubong mo ang ex mo, you should say na, 'I hope you do find the happiness that it is you're looking for.'”
Dagdag pa niya, “Dapat masaya, 'di ba dapat masaya kayo para sa isa't isa. Always dapat in good terms.”
Samantala, kamakailan lang ay naungkat namang muli ang breakup nina Xian at Kim nang kumpirmahin ng aktor na siya ngayon ay in-a-relationship na sa film producer na si Iris Lee.
Patuloy lang manood ng Family Feud, 5:40 p.m. bago mag-24 Oras sa GMA 7. Puwede rin itong mapanood sa official Family Feud Facebook page at may livestreaming worldwide via the official YouTube channel ng Family Feud at Kapuso Stream.