GMA Logo Dingdong Dantes on Family Feud
What's on TV

Dingdong Dantes, excited sa mga bagong pakulo ng 'Family Feud' ngayong Mayo

By Jimboy Napoles
Published May 1, 2024 12:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes on Family Feud


Maki-celebrate sa mala-piyestang kasiyahan sa 'Family Feud' simula ngayong May 1.

Ngayong Mayo, may mala-piyestang saya na ihahandog ang Family Feud para sa mga manonood. Ito ang masayang ibinalita ng game master ng programa na si Dingdong Dantes sa panayam sa kaniya ng GMANetwork.com.

Simula ngayong araw, May 1, may mga bagong segments na dapat abangan sa paboritong family game show ng mga Pinoy kabilang na ang “Let's Play! Family Feud” at “Kayo Naman Ang Magtanong.”

“Dahil it's new season, bibigyan natin sila ng piyestang Pinoy the Family Feud style. Ang daming bagong pakulo kagaya ng pagpunta natin sa mga iba't ibang barangay sa pamamagitan ng 'Let's Play! Family Feud' booth - puwede silang pumasok at puwede silang sumagot sa mga tanong natin dito.

“So, may camera doon basta 'wag kayong mahihiya, sumagot lang kayo nang sumagot at puwede rin kayong magpadala ng mga tanong dito at babasahin namin nang live habang umeere ang Family Feud. 'Yung pangalan n'yo at 'yung tanong n'yo mismo ang gagamitin namin dito. Siyempre higit sa lahat, super star-studded ang mga bisita natin everyday,” ani Dingdong.

Ayon pa kay Dingdong, fulfilling para sa kaniya ang maging host ng Family Feud na 2 years strong na ngayon.

Aniya, “Isang biyaya talaga na makasampa sa entabladong ito at makilala parati 'yung mahuhusay at magagaling na participants natin araw-araw. At higit sa lahat 'yung maging vehicle o kaya maging isang tagapaghatid ng tulong sa ating mga charity na pinipili ng ating winning team araw-araw. Dahil around 100,000 pesos ang ipinamimigay every week sa mga napiling charitable institutions.”

Sa episode ng Family Feud ngayong Miyerkules, May 1, mapapanood ang paglalaro ng ilan sa cast ng number 1 daytime series sa Philippine TV na Abot-Kamay Na Pangarap.

Sa buong buwan ng Mayo, abangan pa ang star-studded episodes ng programa kasama ang cast members ng Voltes V: Legacy, Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, All-Out Sundays, Sparkle 10 members, Miss Universe Philippines titlists, Miss Universe 2023 R'Bonney Gabriel, StarStruck alumni, SexBomb dancers, Viva Hot Babes, at ilan sa hosts ng flagship morning show ng GMA na Unang Hirit.

Sa ngayon, pinaghahandaan na rin ang episode kung saan mga anak ng celebrities naman ang maglalaro sa kids edition ng Family Feud habang ang celebrity parents nila ay uupo sa audience area upang sila ay i-cheer.

Patuloy lang manood ng Family Feud, 5:40 p.m. bago mag-24 Oras sa GMA 7. Puwede rin itong mapanood sa official Family Feud Facebook page at may livestreaming worldwide via the official YouTube channel ng Family Feud at Kapuso Stream.