
Sa unang pagkakataon ay bibisita ang Everything About my Wife star na si Sam Milby sa Afternoon Talk show na Fast Talk with Boy Abunda.
Ngayong Lunes, March 3, pag-uusapan nina Sam at Boy Abunda ang painful breakup nila ng dating fianceé, na si Miss Universe 2018 Catriona Gray. May rebelasyon din ang aktor sa totoong estado ng kanilang relasyon bago pa sila maghiwalay.
Matatandaan na noong nakaraang buwan ay kinumpirma ni Sam na hiwalay na sila ni Catriona.
Sabi niya sa isang interview, “Kami ni Cat, we've always been private about our relationship. We share certain things nung na-engaged kami, but in terms of the details and buhay namin, we haven't really shared.
Nilinaw din ni Sam na walang third party sa paghihiwalay nila ni Catriona. Ito ay matapos lumabas ang mga balita na maaaring sangkot ang singer na si Moira Dela Torre sa naturang hiwalayan.
Nagbabala rin ang aktor na huwag basta-basta maniniwala sa mga balitang nababasa sa social media.
“It makes me sad, may babala ako sa mga tao. Please mag-ingat kayo sa mga nakikita n'yo sa online. If there's no evidence, 'wag n'yong paniwalaan 'yung nakikita n'yo because in this incident, there's absolutely no truth to it at all,” saad ng aktor.
Abangan ang iba pang mga kuwento ni Sam sa Fast Talk with Boy Abunda mamayang 4:45 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Samantala, tingnan ang timeline ng relationship nina Sam at Catriona sa gallery na ito: