
Pagkatapos ang hiwalayan nina Rhian Ramos at Sam Verzosa, nali-link naman ngayon ang huli sa Kapuso stars na sina Kyline Alcantara at Faith Da Silva.
Paglilinaw ni Sam sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, June 22, kaibigan lang niya ang dalawang aktres, at walang namamagitan sa kaniya at kahit kanino man kina Kyline at Faith.
“You know, Manila is so small. There are certain events, may picture lang d'yan [sa] social media, they would speculate, tsismis. Kaya it's very unfair for them,” sabi ni Sam.
Humingi pa nga siya ng tawad sa Taskforce Firewall star na si Kyline dahil unfair para sa aktres ang madawit ang pangalan nito.
“Mabuting tao si Kyline, and it's very unfair for her. And kung sino man ang dine-date niya, it's very unfair, so sabi ko, 'I'm really sorry,'” sabi ni Sam.
Dagdag pa ng celebrity businessman, “Kaibigan ko lang si Ky and that's the truth.”
BALIKAN ANG RELATIONSHIP TIMELINE NINA RHIAN AT SAM SA GALLERY NA ITO:
Bukod kay Kyline, usap-usapan din sa diumano'y relasyon nila ni Faith matapos lumabas online ang pictures na magkasama sila.
Ayon kay Sam, mahirap na ngayon sa mundo ng social media dahil kahit sino umano ang makasama niya, basta katabi niya sa litrato ay gagawa na ng kwento at spekulasyon ang mga tao.
“We're just friends talaga. Hindi ito showbiz, pero kaibigan lang, e. I mean, I respect her, and, if anything, Tito Boy, magka-girlfriend, I'm dating, people will know,” sabi ni Sam.
Pagbabahagi pa ni Sam, mahigit limang taon na silang magkakilala ni Faith. Noong magkita sila kamakailan sa isang event, tila isang mentor-student ang naging kwentuhan nila.
“Kasi sabi niya, 'Uy Sam, alam mo ba, 'yung tinuro mo sa 'kin, five years ago about manifesting, how you pray du'n sa [gusto] mo, every morning I did that and now, it all happened to her,” sabi ni Sam.
Related gallery: Sam Verzosa, binigyag-linaw ang hiwalayan nila ni Rhian Ramos