What's on TV

Same gang, new laughs | Teaser Ep.

By Aedrianne Acar
Published August 18, 2020 3:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

bubble gang teaser


Abangan ang pinakahihintay ninyong fresh episode ng 'Bubble Gang' ngayong Biyernes na!

Welcome to the new normal, Bubble Gang style!

Alam naming sabik na sabik na kayo sa all-new episode ng award-winning Kapuso gag show na mahigit dalawang dekada na kayong pinapatawa.

Kaya tiyak aapaw ang good vibes sa new laughs na mapapanood sa Bubble Gang na may temang “new normal.”

Sa panayam ng entertainment press kay Paolo Contis nitong Lunes, August 17, via video conference, ibinida niya na mismong ang cast ng Bubble Gang ang nagpagod para i-shoot sa kani-kanilang bahay ang mapapanood this Friday night.

Kuwento niya, “Mostly bago siya, we had to adjust also, especially for the August episodes shinoot namin siya last July, so we had to adjust also kung paano 'yung sitwasyon.

“Bago lahat 'to, but more than anything people will appreciate the effort na ginawa namin because we made sure na broadcast quality naman 'yung episodes na ginawa namin, regardless of shooting at home.”

Sit back and relax, mga Kababol!

Hayaan niyo ang Bubble Gang na pawiin ang stress na nararanasan natin ngayon sa pandemic with their signature comedy na masarap ulit-ulitin.

Tara na at yayain ang buong pamilya at manood ng all-new episode ng Bubble Gang, pagkatapos ng GMA Telebabad sa August 21 na yan!

Fresh na fresh ang August sa GMA!

New episodes ng 'Bubble Gang,' maghahatid ng inspirasyon

Paolo Contis, nag-react sa title niyang "Pandemic Superstar"