GMA Logo Raymond Ignacio from Kapuso Profiles
Photo by: Raymond Ignacio from Kapuso Profiles
What's Hot

'Sang'gre' actress Faith Da Silva, ipinagdasal ang malaking proyekto sa GMA

By Aimee Anoc
Published April 17, 2024 5:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

No new regulations vs imported cars, modifications, tire age — LTO chief Lacanilao
Lea Salonga, Rachelle Ann Go part of 'Les Misérables' in Manila
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar

Article Inside Page


Showbiz News

Raymond Ignacio from Kapuso Profiles


Faith Da Silva nang mapili bilang bagong Sang'gre: "Nagulat na lang ako... na 'yung mga bagay pala talaga na hindi mo pinipilit, iyon 'yung mga talagang naturally na ibibigay sa 'yo ni Lord, lalo na kung ready ka na."

Grateful si Faith Da Silva sa sunod-sunod na blessings na dumarating sa kanyang career, lalo na nang makuha ang bigating role sa inaabangang Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Sa interview ng GMANetwork.com para sa Kapuso Profiles, inamin ni Faith na ipinagdasal niya na magkaroon ng malaking proyekto kung saan mas maipapakita niya ang husay bilang isang aktres.

"It's something na ipinagdasal ko. Hindi 'yung mapabilang sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre' o sa karakter ni Flamarra, pero 'yung... kumbaga, mabigyan ako ng proyekto na maipapakita ko talaga ang galing ko. And also, a project kung saan maggo-grow ako sa craft na mayroon ako," ani Faith.

Ayon kay Faith, tuwang-tuwa siya nang mapabilang sa bagong henerasyon ng mga Sang'gre at mapunta sa kanya ang role ni Flamarra.

"Flattered na syempre sa akin s'ya napunta. Nu'ng time na iyon 'yung kaba rin talaga at saka 'yung pressure hindi mawawala. Ang dami kong nararamdaman, mixed emotions."

Pagbabahagi pa ni Faith, dalawang beses siyang nag-audition sa Sang'gre. Kuwento niya, "'Yung first audition ko, I came from taping ng TiktoClock so medyo kinakabahan ako kasi iba 'yung energy sa TiktoClock na variety show at iba rin 'yung sa 'Sang'gre.' Sa 'Sang'gre' kasi syempre seryoso 'to, fight talaga. Ako, wala akong idea na kailangan pa lang mag-aral ng mga fight scenes.

"Pero nu'ng nakakuha ako ng second audition for that parang iba na 'yung pakiramdam ko, it felt right. I remember noong time na 'yun ang dami kong kailangang gawin sa araw na 'yon... parang na-bless lang din ako ni Lord na at that time na-realize ko na I worked well under pressure pala kasi I didn't have enough time to think as in [sunod-sunod].

"And, itinaas ko talaga kay Lord. After ng audition na 'yon, nag-pray ako tapos ni-let go ko s'ya. I didn't think of it nang matagal. Parang nagulat na lang ako na 'yung mga bagay pala talaga na you don't seek for o hindi mo pinipilit, iyon 'yung mga talagang naturally na ibibigay sa 'yo ni Lord, lalo na kung ready ka na."

Ayon kay Faith, matapos ang dalawang auditions ay ilang buwan din ang hinintay niya bago matanggap ang magandang balita na siya ang napiling gumanap bilang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Apoy.

Matatandaan na nag-audition na rin si Faith noon sa Encantadia 2016 para sa role ni Mira, anak ni Sang'gre Pirena, pero hindi siya pinalad na makuha.

"Kaya pala hindi siya binigay sa akin noong 2016 kasi ngayong 2024 pala 'yung divine timing talaga," masayang sabi ng aktres.

Makakasama rin niya bilang bagong henerasyon ng mga Sang'gre sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, at Angel Guardian.

TINGNAN ANG PAGSASAMA-SAMA NG BAGONG HENERASYON NG MGA SANG'GRE NA SINA BIANCA, KELVIN, FAITH, ANGEL SA GALLERY NA ITO: