GMA Logo sanya lopez, kelvin miranda, faith da silva,
What's on TV

Sang'gre Danaya, Adamus, Flamarra, pinusuan online!

By Kristine Kang
Published June 24, 2025 12:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Something soft, something long, something shiny: 7 Christmas gift ideas for different categories
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

sanya lopez, kelvin miranda, faith da silva,


Marami ang tumangkilik sa #SanggreDarcy episode ng 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'!

Patuloy na nabubunyag na ang mga kwento sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre!

Kagabi (June 23), damang-dama ng Kapuso viewers ang matinding emosyon sa makapangyarihang tagpo ng paghihiganti ni Danaya (Sanya Lopez) laban sa mga pumaslang sa kanyang mag-ama: sina Aquil (Rocco Nacino) at Gaiea (Cassy Lavarias).

Marami ang naantig at napabilib sa husay ni Sanya sa pagbuhos ng emosyon bilang isang ina at mandirigmang nawalan ng pamilya.

Sa parehong episode, ipinakilala rin ang bagong karakter na si Theo (Martin del Rosario), ang nakatadhana kay Danaya at ama ni Terra (Bianca Umali). Ibinunyag na nagtagpo sina Danaya at Theo sa gitna ng kanilang pag-iisa, parehong iniwan ng pamilya ngunit pinagsama ng tadhana upang muling buksan ang puso sa pag-ibig.

Bukod sa mga eksenang puno ng damdamin, ikinatuwa rin ng Encantadiks ang pagpapakilala sa dalawang bagong Sang'gre na sina Kelvin Miranda bilang Adamus at Faith Da Silva bilang Flamarra!

Masayang-masaya ang netizens nang masilayan sa wakas ang kanilang transformation bilang bagong henerasyon ng mga mandirigma sa Encantadia.

Agad nag-trending sa X (dating Twitter) ang naturang episode at naging usap-usapan sa iba't ibang social media platforms. Umani ito ng matinding excitement mula sa fans, na sabik nang makilala ang lahat ng new generation Sang'gres sa mga susunod na episodes ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Ngayong gabi, makikilala na ang bagong tagapagligtas ng Encantadia na si Terra at ang malalaman na rin ang magiging kapalaran ng kaharian ng Sapiro.

Patuloy na subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.

Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Samantala, balikan ang ika-anim na episode ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, dito: