
Isisilang na ni Sang'gre Danaya (Sanya Lopez) sa mundo ng mga tao ang itinakdang tagapagligtas ng Encantadia na si Sang'gre Terra (Bianca Umali).
Sa teaser na inilabas ng Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong Martes (June 24), ipinasilip ang panganganak ni Danaya kung saan nasa kanyang tabi ang kasintahan na si Theo (Martin Del Rosario).
Bukod dito, makikilala na rin ni Cassiopea (Solenn Heussaff) ang isinumpang kakambal na si Mitena (Rhian Ramos). Ano kaya ang naghihintay sa kanilang unang paghaharap?
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: