GMA Logo Encantadia Chronicles Sanggre episode 181 teaser
What's on TV

Sang'gre: Deia, haharapin ang kanyang ina na si Olgana

By Kristine Kang
Published February 23, 2026 1:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Strong 6.7-magnitude quake strikes southern Peru — USGS
Man lands in hospital after fire razes home in Bacolod
Otherworld Festival Manila is happening this November

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles Sanggre episode 181 teaser


Isasalba kaya ni Deia ang buhay ni Olgana? Abangan mamaya sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre.'

Isang mabigat na pagsubok ang muling haharapin ni Deia (Angel Guardian) bilang anak at bilang isang Sang'gre.

Sa inilabas na teaser ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, makikita ang matinding paghaharap ng Mine-a-ve laban sa kanyang minamahal na ina na si Olgana (Bianca Manalo).

Sa gitna ng kanilang sagupaan, mapipilitan si Deia na harapin ang pinakamahirap na desisyon ng kanyang buhay.

Kaligtasan o kapahamakan ang mananaig sa pasya ni Deia?

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Silipin ang 2026 taping ng 'Sang'gre' cast sa gallery na ito: