
Isang paglalakbay na puno ng emosyon, pag-asa, at pagmamahal ang natunghayan ng lahat sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa nalalapit na pagtatapos ng isang yugto, mapapanood ngayong gabi ang tatakda sa bagong kinabukasan ng Encantadia.
Tunghayan ang magiging istorya nina Sang'gre Flamarra (Faith Da Silva), Deia (Angel Guardian), Adamus (Kelvin Miranda), at Terra (Bianca Umali) pagkatapos protektahan ang mga mundo laban sa hukbo ng kadiliman.
Silayan din ang pagbangon ng mga kaharian kasama sina Lira (Mikee Quintos), Mira (Kate Valdez), Nunong Imaw, Hara Armea (Ysabel Ortega), Daron (Jon Lucas), Soldarius (Luis Hontiveros), Mantuk at Tukman (Vito at Kiel Gueco), at iba pa.
Huwag palampasin ang epic finale ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV. Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa Facebook at YouTube.
Samantala, silipin ang highlights ng Encantadia Chronicles: Sang'gre finale media conference sa gallery na ito: