
Sinabi na ni Flamarra (Faith Da Silva) sa mga kapwa Sang'gre ang masamang pangitain ni Mitena (Rhian Ramos) tungkol sa pagpaslang sa kanilang lahat ni Gargan (Tom Rodriguez) at ang pagkuha nito sa mga Brilyante.
Sa pangaral ni Paopao tungkol sa digmaan ay tila nakakuha ang mga Sang'gre ng ideya na tulad ng mga heneral ay may kakayahan din silang maglabas ng mga sarili nilang sundalo na silang haharap sa mga kaaway.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, makakalaban ni Gargan ang mga sinaunang Kambal-Diwa ng mga Brilyante, na isang patibong ng mga Sang'gre.
Samantala, dinala na ni Bathalumang Cassiopea (Solenn Heussaff) si Pirena (Glaiza De Castro) sa lugar na may kakayahang ibalik ang kanyang buhay kung siya man ay karapat-dapat. Ipinakita na rin ang pagharap ni Pirena kay Bathalumang Ether (Janice Hung).
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.