
Isasagawa na ni Tabun ang pagpaslang kay Hara Armea (Ysabel Ortega)!
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, makikita na may lalaking nagmamasid sa mga galaw ni Hara Armea.
Sa Lireo, aalamin ni Gaiea (Cassy Lavarias) kung sino sa dalawang Nunong Imaw ang tunay at ang nagpapanggap.
Samantala sa mundo ng mga tao, labis ang pag-aalala ni Flamarra (Faith Da Silva) sa masamang pangitain ni Mitena (Rhian Ramos) sa maaaring pagkamatay nila ng mga kapwa Sang'gre, at nais na agad na mabalaan si Terra (Bianca Umali).
Sa bahay ni Paopao, ipinasilip na ang pagdating ni Gargan (Tom Rodriguez) at pagsaksak ni Zaur (Gabby Eigenmann) kay Terra. Magiging huli na nga ba ang lahat?
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Related content: Faith Da Silva shares Flamarra BTS moments in 'Sang'gre': 'Ang pinaka-epal sa lahat'