
Sasalakay na sa mundo ng mga tao si Mitena (Rhian Ramos) para hanapin ang mga importanteng tao para kay Terra (Bianca Umali).
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, hinahanap ni Mitena sa mundo ng mga tao sina Nanay Mona (Manilyn Reynes) at Lolo Javier (Boboy Garrovillo).
Nabalitaan na rin ni Terra ang pagpunta ni Mitena sa mundo ng mga tao kaya naman nakiusap ito kay Almiro (Derrick Monasterio), hari ng mga Mulawin, na payagan siyang makaraan sa kanilang lagusan.
Matulungan kaya si Terra ni Haring Almiro na makarating sa mundo ng mga tao?
Samantala sa Balaak, makikipagkasundo si Pirena (Glaiza De Castro) kay Hagorn (John Arcilla) kapalit ng pangalawang buhay at kalayaan.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
BALIKAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES MULA SA SET NG 'SANG'GRE' SA GALLERY NA ITO: