
Labis ang papuri ng netizens sa inilabas na music video para sa official soundtrack ng Encantadia Chronicles: Sang'gre na "Bagong Tadhana" na inawit mismo ni Asia's Limitless Star at SLAY actress Julie Anne San Jose.
Ang "Bagong Tadhana" ay likha ni Natasha L. Correos mula sa liriko ni Greg T. Aldrin, isa sa mga manunulat ng serye. Ang lyrics nito ay nakasulat sa pinagsamang Tagalog at Enchanta, ang fictional language ng Encantadia.
Ilan sa papuring natanggap ng official soundtrack at nang makapanindig balahibong pagkakaawit dito ni Julie Anne ay "goosebumps" at "sarap pakinggang ng paulit-ulit."
Bukod sa soundtrack, humanga rin ang netizens sa mga kaabang-abang na eksenang ipinasilip sa music video. Ilan dito ay ang digmaan sa Encantadia, ang nakaraan at paghihiganti ni Mitena, at ang pagsilang ni Sang'gre Danaya (Sanya Lopez) kay Terra (Bianca Umali).
Ipinakita rin sa music video ang karakter na gagampanan nina Ricky Davao, Gabby Eigenmann, Manilyn Reynes, Boboy Garrovillo, Jon Lucas, Michelle Dee, Martin Del Rosario, Jamie Wilson, Vince Maristela, Mika Salamanca, at ng Gueco twins na sina Vito at Kiel.
Gayundin, ipinasilip ang pagbabalik ng 2016 Encantadia actors na sina Glaiza de Castro bilang Pirena, Gabbi Garcia bilang Alena, Sanya Lopez bilang Danaya, Kylie Padilla bilang Amihan, Solenn Heussaff bilang Cassiopea, Rocco Nacino bilang Aquil, Mikee Quintos bilang Lira, at Kate Valdez bilang Mira.
Dumagdag sa goosebumps ang ilang action scenes ng bagong henerasyon ng mga Sang'gre na sina Bianca Umali bilang Terra, Kelvin Miranda bilang Adamus, Faith Da Silva bilang Flamarra, at Angel Guardian bilang Deia, maging ni Rhian Ramos bilang ang Ice Queen na si Mitena.
Panoorin ang official trailer ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa video na ito:
Abangan ang world premiere ng Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong June 16, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
SAMANTALA, TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: