
Mapapasakamay na ni Gargan (Tom Rodriguez) ang Kaharian ng Sapiro!Inside link:
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, handang lumaban si Rama Soldarius (Luis Hontiveros) hanggang kamatayan, maipagtanggol lamang ang Sapiro mula sa mga kalaban.
Pero tila tuluyan na silang madadaig ng hukbo ni Gargan.
Ipinasilip din ang pag-utos ni Gargan sa Itim na Brilyante na wasakin ang Kaharian ng Sapiro.
Paano kaya haharapin ni Hara Armea (Ysabel Ortega) ang pagkawasak ng kanyang buong kaharian?
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Related content: Ahtisa Manalo, ipinakita ang mga larawan nina Haliya at Gargan