GMA Logo Encantadia Chronicles Sanggre
What's on TV

Sang'gre: Pagkamatay ni Enuo at pagkawala ng Brilyante ng Tubig

By Aimee Anoc
Published April 6, 2026 1:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala, 'winalis' ang kalabang Russian at nakalusot sa Round of 128 sa Madrid Open
Higher prices of rice may last until August 2026
Anne Curtis is the cover star of a lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles Sanggre


Magtagumpay kaya si Deia na maibalik ang buhay ni Adamus?

Nalalagay sa panganib ang buhay ni Adamus (Kelvin Miranda) matapos na lumaban para sa Adamya.

Patuloy naman na hindi sumusuko si Deia (Angel Guardian) na maibalik ang buhay ni Adamus.

Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, magluluksa ang mga Sang'gre sa Lireo sa pagkamatay ng isang mandirigma.

Paano kaya haharapin ng mga Sang'gre ang pagkamatay ni Enuo (Red Dilla) at pagkawala ng Brilyante ng Tubig, na ngayon ay nasa kamay na ni Gargan (Tom Rodriguez)?



Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.