GMA Logo Encantadia Chronicles: Sang'gre episode 89 teaser
What's on TV

Sang'gre: Pagkikita nina Terra at Mitena sa digmaan

By Aimee Anoc
Published October 16, 2025 12:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Duterte, lawyer deny laptop-throwing incident
Heads of state now in Cebu for ASEAN leaders meeting
Jennylyn Mercado shares why a fresh-smelling home matters to her

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles: Sang'gre episode 89 teaser


Unang naging magkaibigan, ngayon ay haharapin ang isa't isa bilang magkalaban. Ano kaya ang mangyayari sa muling pagkikita nina Terra at Mitena?

Makikilala na nina Terra (Bianca Umali) at Mitena (Rhian Ramos) ang isa't isa!

Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, magpapatuloy ang laban ng mga bagong Sang'gre sa Adamya, kung saan ipinasilip din ang pagdating ni Mitena kasama sina Olgana (Bianca Manalo), Zaur (Gabby Eigenmann), at Veshdita (Shuvee Etrata).

Dito na rin muling magkikita ang una nang naging magkaibigan na sina Naya at Samina pero ngayon ay bilang magkalaban na sina Terra at Mitena.

Malalaman na rin ni Mitena na si Terra ang Sang'greng itinakda!

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

SAMANTALA, BASAHIN DITO ANG REAKSYON NG NETIZENS SA ICONIC TRANSFORMATION NG MGA BAGONG SANG'GRE: