
Matapos wasakin ang Sapiro, susunod na manganganib ang Kaharian ng Hathoria!
Sa teaser na inilabas ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, aalab muli ang tapang ng mga Hathor laban sa hukbo ng Bathalang Kadiliman na si Gargan (Tom Rodriguez).
Sa kanilang digmaan, isang matinding harapan ang magaganap sa pagitan nina Hara Pirena (Glaiza de Castro) at Mitena (Rhian Ramos).
Magtagumpay kaya ang mga Sang'gre na maipagtanggol ang Hathoria mula sa kadiliman?
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Balikan ang tagumpay at paglalakbay ni Pirena sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, dito: