
Magkakaroon ng rewind ang premiere week ng superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong Sabado, June 21, sa GMA at GTV.
Muling damhin ang lakas ng apat na magkakapatid na Sang'gre na sina Pirena (Glaiza De Castro), Alena (Gabbi Garcia), Danaya (Sanya Lopez), at Amihan (Kylie Padilla), maging ng Ice Queen ng Mine-a-ve na si Mitena (Rhian Ramos).
Mamangha at balikan ang kuwentong dala ni Nunong Imaw at ang mga pangitain ni Cassiopea (Solenn Heussaff) sa pagdating ng kalaban at itinakdang tagapagligtas ng Encantadia.
Panoorin ang rewind ng Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong Sabado, June 21, 9:15 p.m. sa GMA at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Samantala, maaaring panoorin ang full episodes ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: