GMA Logo bianca umali faith da silva kelvin miranda angel guardian
Photo by: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

'Sang'gre' stars, paano hinarap ang kritisismo mula sa Encantadiks?

By Aimee Anoc
Published May 3, 2026 4:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sino si Miss Universe Philippines 2026 Bea Windorski? | GMA News Feed
Celeste Cortesi launches a pocket-sized beauty essential
La Union wins Miss Universe Philippines 2026 crown

Article Inside Page


Showbiz News

bianca umali faith da silva kelvin miranda angel guardian


Bianca Umali: "Personally, alam ko kahit na mahirap minsan, 'pag nakikita ko silang lumalaban, alam kong kailangan kong lumaban."

Ipinarating ng new gen Sang'gres na sina Faith Da Silva, Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Bianca Umali kung paano nila hinarap ang mga opinyon at kritisismong natanggap mula sa Encantadiks.

Magkakasamang bumisita ang mga bida ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Biyernes, May 1.

Ayon kay Angel, lahat sila dumating sa puntong "nalunod sa pressure" dahil malaking bahagi ng show ang Encantadiks na sumusubaybay sa programa mula pa noong 2005.

"Kabisado nila 'yung story. Kaya, siyempre, for us, work din po 'yon na alamin kung tama pa ba 'tong ginagawa ng character namin. And, we tried our best, Tito Boy. Every time, every scene binibigay namin 'yung best namin na magampanan 'yung bawat character dahil alam po namin kung gaano kadetalyado ang mga manonood at mga Encantadiks," sabi ni Angel.

Ani Bianca, tanggap din nila na sa lahat ng kanilang gagawin ay hindi nila mapi-"please" ang lahat.

"There will always be bashing, alongside all the good things that you will do. But, what we did was really hold on to each other. Kaming apat, every time na may pagdadaanan, may hirap na pinagdadaanan 'yung characters namin. Ako, personally, alam ko kahit na mahirap minsan, 'pag nakikita ko silang lumalaban, alam kong kailangan kong lumaban," sabi ni Bianca.

Related gallery: 'Encantadia Chronicles: Sang'gre' holds media conference ahead of epic
finale

Nagbigay rin ng reaksyon si Kelvin sa mga komento na, aniya, mayroong literal na "bash o trash."

"Sa akin kasi malaking bagay na mayroon kang nababasang ganito kasi nagkakaroon ka ng pagkakataong mag-explore sa ibang perspective. Hindi ka lang nakukulong doon sa partikular na iniisip mo, na ito 'yung kailangan kong gawin, ito 'yung kailangan kong i-develop."

Panoorin ang buong interview ng Sang'gre stars na sina Faith, Angel, Kelvin, at Bianca sa Fast Talk with Boy Abunda sa video na ito:

Huwag palampasin ang epic finale week ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.