
Kahit nanghihina na ay pilit na lumalaban si Terra (Bianca Umali) kay Gargan (Tom Rodriguez)!
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, Brilyante ng Lupa na lamang ang nagbalik sa kinaroroonan ng mga Sang'gre at mga Kambal-Diwa.
Kukuwestiyunin ng mga Sang'gre si Harahen (Diana Zubiri) kung bakit wala si Terra at nababawasan ang liwanag ng Brilyante ng Lupa.
Kahit wala nang kalaban-laban ay patuloy na naging matapang si Terra sa harap ni Gargan, at winika ang "Ivo Live, Encantadia!"
Sa Lireo, hindi malaman ni Gaiea (Cassy Lavarias) kung bakit bigla na lamang siyang nangamba para sa kanyang kapatid na si Terra.
Agad namang hinanap ni Sang'gre Danaya (Sanya Lopez) si Hara Alena (Gabbi Garcia) sa pagdating niya sa Lireo upang ipaalam ang masamang pangitain ni Mitena (Rhian Ramos) tungkol sa anak na si Terra.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.