
Hindi maitago ang saya at excitement ng Mga Lihim ni Urduja stars Sanya Lopez at Kylie Padilla na nagkasama muli sila sa isang bagong serye. Kasama si Gabbi Garcia, na parte din ng action drama series, gumanap silang tatlo noon bilang mga Sang'gre sa Encantadia prequel.
Sa interview nila sa GMA Regional TV morning show na BizTalk, sinabi ni Kylie na isa mga dahilan niya kung bakit niya kinuha ang role ay dahil makakasama niya sina Sanya at Gabbi.
“Kasi gamay ko na lahat, e, magkakilala na kami and I have trust in them na kaya namin pagandahin yung show,” sabi niya.
Dagdag pa nito, “Lalo na nung nalaman ko na siya si Urduja kasi Filipina. Tsaka alam ko kaya niya.”
Ginagampanan ni Sanya ang role ng warrior-princess na si Hara Urduja, habang ang role naman ng rookie cop na si Gem ang ginagampanan ni Kylie. Samantala, ang role alaherang si Crystal ang ginagampanan ni Gabbi.
Ngunit dahil ang kuwento ni Urduja ay nangyayari sa nakaraan at ang kuwento naman nina Gem at Crystal ay nangyayari sa present, sinabi ni Sanya na “nami-miss [ko] sila sa set.”
“Ako sa past, sila sa present, so magkaiba rin kami ng location ng pinagtetapingan, hindi kami magkasama, kaya nakaka-miss din na makasama sila,” sabi niya.
Dagdag pa ng aktres, “Nung time na nag-taping tayo magkasama, parang feeling ko, 'Oh, ito yun, e, ang sarap, e,' Sarap sa pakiramdam na kasama ko siya.”
Masaya rin si Sanya na “finally” ay makakasama na niya ang kanyang mga kapwa Sang'gre noon sa Mga Lihim ni Urduja.
“Sayang nga, e, nung magkasama kami ni ate Glai [Glaiza de Castro] last time sa All-Out Sundays, tinatanong ko siya, sabi ko, 'Sayang, ba't wala ka?' Sabi niya, 'Hindi, e, tinakwil niyo na 'ko,” pag-alala nito.
Si Glaiza ang gumanap na Pirena sa Encantadia requel. “Pirena pa rin siya” sabi nina Sanya at Kylie.
Dagdag pa ng una, “Pero na-e-excite siya sa amin, actually, excited siya and excited din kami sa bago niyang project. Nagkataon kasi nagsabay, e. Pero feeling ko, kung walang naisabay, baka nasa amin din si Glaiza.”
Mapapanood si Glaiza sa upcoming drama series na The Seed of Love.
TINGNAN ANG MGA LARAWAN NG MGA CAST NG ENCANTADIA REQUEL DITO: