
Naging instant good vibes ang pinakabagong TikTok collab nina Sanya Lopez at online personality na si Sir Ian Mark Kamangkang, o mas kilala bilang Queen Pitik.
Makikita sa video na ibinahagi ng Lunchbox PH na tinuruan ng Kapuso actress si Queen Pitik ng iconic steps ng kanyang hit song na “Hot Maria Clara,” na sinabayan pa ng signature “pitik” sa dulo—isang move na pinauso naman ni Queen Pitik.
Nagkasama ang dalawa sa isang promotional event para sa upcoming film ni Sanya na Midnight Girls, kasama ang mga aktres na sina Jodi Sta. Maria at Jane Oineza.
“Hot Maria Clara tutorial with pitik,” sulat sa text ng video.
Hindi naman napigilan ng netizens na magbahagi ng kanilang reaksyon sa collab nina Sanya at Queen Pitik, na agad nilang kinagiliwan.
Marami rin ang nagsabing isa ito sa mga “collab of the year,” dahilan para mapuno ng good vibes ang comments section.
Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa kanilang collab:
Nakilala si Queen Pitik sa kanyang nakakatuwang online content, lalo na sa kanyang viral na “limang pitik with soft moves” sa TikTok. Samantala, sumikat naman sa internet ang “Hot Maria Clara” ni Sanya Lopez dahil sa iconic rin nitong dance steps.
Mapapanood ang Midnight Girls sa cinemas nationwide simula May 13.
Tingnan dito ang iba pang Tiktok trends na sinimulan ng ilang celebrities: