
Mayroon nang kanya-kanyang Christmas plans ang Kapuso stars na sina Sanya Lopez at Ysabel Ortega bago pa man opisyal na pumasok ang Disyembre.
Sa interview kay Aubrey Carampel ng 24 Oras, sinabi ni Sanya Lopez ang plano sa darating na Kapaskuhan.
Ayon sa Pulang Araw actress, susulitin niya ang panahon kasama ang kanyang pamilya. Sabi niya, "Sa bahay lang ako palagi kasi iyon lang 'yung time ko to spend my time with my family, with my friends. Doon lang kami nagkakaroon ng bonding."
Ikinuwento naman ni Ysabel na nakabili na siya ng Christmas gift para kay Mga Batang Riles star Miguel Tanfelix.
"Something na kailangan niya para sa araw-araw since nagte-taping na siya ngayon and wala naman ako roon para samahan siya," sabi ni Ysabel.
RELATED CONTENT: Kilig photos of Miguel Tanfelix and Ysabel Ortega: