
Good vibes ang hatid ng TikTok video ng Mga Batang Riles stars na sina Miguel Tanfelix at Zephanie kasama ang social media stars na sina Spencer Serafica at Jomar Yee sa pagsabay nila sa "Superman" trend.
Sa video na uploaded sa GMA Network TikTok account, unang tumalon si Miguel na naka-Superman pose at maayos na nasalo at nakabalik. Sinundan naman ito ni Zephanie na game na game na sinubukan ang dance trend, pero nang buhatin na siya pabalik nina Spencer at Jomar ay nawalan ng balanse ang aktres.
@gmanetwork LITERAL NA LUMIPAD 😭 Okay ka lang, @zephanie ? 😭😂 More laro time sa #MgaBatangRiles set! 😁 | 🎥 by spencerserafica02 #migueltanfelix #jomaryee #spencerserafica #zephanie ♬ original sound - GMA Network
"Literal na lumipad. Okay ka lang, Zephanie?" caption ng GMA Network sa post na ito.
Kasalukuyang mayroong mahigit 6.4 million views sa TikTok ang video na ito sa set ng Mga Batang Riles.
Biro ng ilang netizens kay Zephanie: "Umabot na dito ang paglipad ni Zephanie" at "Nakalimutan nilang magaan lang si Zephanie."
Samantala, kasalukuyang nagbibigay inspirasyon si Zephanie sa youth-oriented show na MAKA, na napapanood tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
MAS KILALANIN SI ZEPHANIE SA GALLERY NA ITO: